• Jasmine Mendiola

Walang Katapusang Closure

May isang mahusay na tao na nakilala ko nung bente anyos palang ako. Hindi ko sya naging kaibigan. Pero kilalang kilala ko sya sa paarang hindi alam ng maraming tao.

Five years down the road, nagkita kme sa isang event at sa marami pang okasyon na nagpapatunay na “its a small world after all.” Tumanda na ko at na-realize kong hindi na ko ganon ka-naive mula nung nakilala nya ko. Iba na kong tao. May anak na ko, may boyfriend na non. At may career.

“Funny we bump into each other all the time,” sabi nya. Biniro ko ng “I told you we’re meant to be.” Kc hindi ko naman ipagkakaila na nung 20 ako, akala ko lahat ng lalaking mahumaling sakin eh pwede kong makatuluyan.

“I just thought we never had closure.”

San ka nakakita ng lalaking naghahanap ng closure? May ganon pala. Kaya mahusay syang tao para sakin kc walang ganon. At sa katunayan, sa lahat ng tao na may ganon akong relasyon, walang piangmulan at walang ending. Poof ang tawag ko sa mga ganon. Parang kabute na sumusulpot nlng basta-basta hindi ba. But he proved to be a break in the pattern because unlike all of them, I never expected anything from him. Malaking bagay yon kc assuming akong tao eh.

May buhay sya. May buhay ako. Magkaiba un at wala akong pakialam sakanya except for the time we spend together.

Nakakatuwa na after 5 years, magkaibigan na kme ngayon. Pinag-uusapan na namin ang past, ang future, ang mga kaibigan at ang trabaho. Hindi ko akalaing pwede pala mangyari yon.

Pag masungit sya, magtatampo ako. At ipupunish ko sya kunwari, un ang joke ko. Minsang mejo umexag ung pagdadrama ko (na madalas mangyari sa karaniwang okasyon, hindi ba?) Sabi ko, “siguro pag nawala ako sa mundo hindi mo rin ako hahanapin! Kc ikaw pag nawawala ka, iniisip ko na busy ka sa ibang bagay o sa ibang tao, gaya ng mga nakaraang taon pero hindi ibig sabihin na I don’t wonder where you are.” Ang sagot nya dito, gaya ng maraming pilosopical nyang sagot sakin ay “when you don’t look for me or when i can’t find you, i just trust that you are in a better place and that I should be happy for you.”

Kasama nya ko nung birthday nya (kahit na hindi ko alam na birthday pala nya non) at sinorpresa nya ko nung birthday ko. Malaking bagay yon kung isipin mo. Nagpaalam syang may mangyayari, aalis sya at sinasabi lng nya sakin yon dahil kaibigan nga daw ang turing nya sakin at the very least. Yun na yon. Mejo nataranta ata ako sa statement na yon.

Never ko naisip i-pedestal sya sa ibang taong palagay ko eh pwede maging bahagi ng buhay ko kc secret life ko yon eh. Hindi sya realistic kumbaga. So nung minsang malito ako sa mga pangyayari na gawa ng ibang tao, lahat sila dinamay ko at dinispatsa. Pati sya.

Nagkita kme ulit. Parang walang nagbago. Nag-request si gago na wag ko na ulitin yon dahil sinasabi lng nya kung ano yung gusto nya. Saktong sakto sa “honesty is the best policy” ko. Walang ibang ganon sa kanya at walang ibang ganon sakin. Pero sa tinagal tagal naming ganito, tamang-tama lng isipin at masabing “relax lng tyo” dahil lahat ng iba pang bagay sa mundo eh magulo.

Sa tinagal tagal ng panahon and considering na nakilala nya ko nung college pa ko, natakot akong iparamdam sakanya na iba na kong tao. Palagay ko hindi nya alam na kumikita na ko ng pera ngayon, na may pamilya na kong tinuturing o na maraming beses na kong nasaktan. Akala ko wala syang pakialam don. Pero pag tinitignan nya ko sa mata parang kilalang kilala nya ko at ibabalik lng nya sakin ung pagdududa na, “hindi mo tlga ko kilala.”

Naikwento ko ang kabwisitan ko sa isang modelong feeling boyfriend ko. Sabi nya, “upakan ko gusto mo?” Hindi ko inasahan yon mula sakanya. Sabi ko wag kc papataying lng sya non dahil gym ang bisyo non. Nasabihan nanaman tuloy ako ng “hindi mo tlga ko kilala.”

Gusto ko isipin kung anong ibig sabihin ng mga hindi nya sinasabi. Pero surprisingly enough for me, sapat na ung alam ko based on what he tells me and what he does for me. Wala akong inasahan sakanya kahit minsan, kahit ung makilala man lng ung mga kaibigan ko o mismong anak ko. Pero kelan lng sabi nya, “hindi ko pa nakikilala ung anak mo, laging sa picture lng.”

Minsang gusto ko manigarilyo, ang taong may sensitive na pang-amoy eh umangal syempre. “Tuwing iisipin mong mag-quit mag-yosi, maaalala mo ko. I did my contribution in your life.” At ung effort na ganon (na higit pa sa pangungulit na mag-quit) eh tinutumbasan ko ng paggunita sa alaala nya sa pamamagitan nito, kung sakasakali mang dumisappear sya na parang bula. Dahil ayokong umasa na ang “relax lng tyo” eh may iba pang kahulugan na pagiisipan ko pa ng isa pang cycle ng limang taon pa.

Dahil nung tinanong ko if he got his closure, ang sabi lng nya, “akin nlng yon. nakuha ko na ung sagot sa tanong ko, ako nlng ang may alam non.”

0 views

Jasmine Mendiola

+63 939 919 7721

©2019 by Jasmine Mendiola